IBAM Ang apela ni Ivanovich Agote, opisyal ng Department of Tourism (DOT), ay isinagawa kasabay ng paglunsad ng Institute of Business and Management (IBAM) ng Trinity University of Asia (TUA) sa Quezon City noong Biyernes.

DOT exec sa akademya: Punan kakulanan ng mag-aaral sa turismo

Cory Martinez Aug 17, 2024
107 Views

NANAWAGAN si Ivanovich Agote, opisyal ng Department of Tourism (DOT), sa mga stakeholders sa akademya na punan ang kakulangan ng mga mag-aaral ng turismo sa mga hard at soft skills.

Isinagawa ni Agote, officer-in-charge at Division chief ng Tourism Regulation Division ng DOT-National Capital Region, ang apela kasabay ng paglunsad ng Institute of Business and Management (IBAM) ng Trinity University of Asia (TUA) sa Quezon City noong Biyernes.

Institute ang IBAM na pinagsama-sama ang mga kursong School of Business and Accountancy, School of Tourism and Hospitality, School of Real Estate Management at Graduate School of Business.

Maraming bakanteng posisyon sa larangan ng turismo subalit marami din ang hindi natatanggap dahil sa kakulangan ng tamang skills ng mga aplikante, ayon sa opisyal.

“There is a huge gap and discrepancy in terms of skills. That is why we appeal to the academe to bridge this gap. Marami ang nag-aapply pero hindi pumapasa sa standard. Merong mismatch with regards to their skills needed for the job,” ayon sa opisyal.

Bilang tugon sa apela ni Agote, tiniyak ni TUA President Dr. Gisela DA Luna na patuloy ang pakikipag-kolaborasyon ng unibersidad sa lahat ng mga industry partner upang matugunan ang mga kakulangan na ito at upang makaagapay sa mga pagsubok dulot ng technological advancement sa larangan ng negosyo, tourism and hospitality at real estate landscape ng mga mag-aaral.

Ayon pa kay Luna, ang paglunsad ng bagong institute isa sa mga tugon sa iba’t-ibang insight na ibinahagi ng mga industry partner at mga business leader hinggil sa napapanahong trend at ang mga direksyon sa hinaharap sa mga naturang propesyon.

Bilang academic institution, responsibilidad nila na maihanda ang mga mag-aaral sa mga pagsubok na kanilang kakaharapin kapag nasa industriya na sila at armasan ang mga ito ng mga nararapat na skill at karunungan na kanilang magagamit sa kanilang mapipiling propesyon, ayon kay Luna.

“Our programs are designed to integrate contemporary practices with forward-thinking approaches.

In business, management and accountancy, our comprehensive curriculum fosters strategic thinking, ethical leadership and effective decision-making. Our students learn to analyze complex problems, develop innovative solutions and drive organizational success in a competitive global market.

In the fields of hospitality and tourism, TUA recognizes the importance of creating exceptional experiences in an increasingly globalized world,” paliwanag ni Luna.

Naniniwala siya na pagyayamanin pa ng bagong institute ang environment na kung saan ang mga mag-aaral, guro at industry partners makiki-collaborate para sa iisang layunin.