Frasco AWARD WINNER–Personal na tinanggap ni DOT Secretary Christina Garcia-Frasco ang dalawang parangal mula sa GovMedia Conference & Awards 2024 para sa mga pangunahing programa nG DOT–ang Tourist Rest Area (TRA). Kasama sa pagtanggap ng award si TIEZA assistant Chief Operating Officer Joy Bulauitan at DOT-Office of Industry and Manpower Development (OIMD) Officer-in-Charge Director Arlene Alipio.

DOT Sec. Frasco nakatanggap ng 2 parangal

Jon-jon Reyes Jun 15, 2024
154 Views

NAKATANGGAP si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco ng dalawang parangal mula sa GovMedia Conference & Awards 2024 dahil sa mga programa nito, gaya ng Tourist Rest Area (TRA) na nagbibigay ginhawa sa mga turista, gayundin ang Filipino Brand of Service Excellence (FBSE).

Tinanggap ni Garcia-Frasco ang parangal noong Hunyo 13 sa Marina Bay Sands Expo and Convention Centre sa Singapore.

“In behalf of the people of the Philippines, I would like to thank Govmedia Awards for this affirmation of the vision of our President Ferdinand R. Marcos, Jr. for tourism transformation where every journey to the Philippines provides an enhanced overall tourism experience.

Through our Tourist Rest Areas, we ensure the comfort and convenience of our tourists as they visit our destinations.

Through our Filipino Brand of Service Excellence Program, every visit to the Philippines is not just enjoyable but also filled with the profound love and hospitality that sets our country apart.

Thank you to our team at the Department of Tourism, TIEZA (Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority), and to all our private tourism stakeholders and partners for working with us on this transformative journey as we continue to strive for sustainability, excellence, and innovation in Philippine tourism,” ani Frasco.

Kasamang tumanggap ng parangal ni Fransco si TIEZA assistant Chief Operating Officer Joy Bulauitan at DOT-Office of Industry and Manpower Development (OIMD) Officer-in-Charge Director Arlene Alipio.

Sa tulong ng tourism infrastructure arm ng gobyerno, ang TIEZA), at ang matibay na partnership ng DOT sa local government units (LGU), umabot na sa 10 TRA ang naitayo sa mga pangunahing destinasyon ng turista sa buong Pilipinas.

Ngayong taon, ikakalat sa iba’t-ibang destinasyon ng turista ang TRA, ayon sa DOT.

Ang TIEZA ang namamahala sa pagpopondo at pagtatayo ng mga TRA, habang ang DOT ang nagmo-monitor at evaluator ng proyekto bilang pangunahing pinagmulan ng konsepto nito.

Samantala, nasungkit din ng marketing arm ng DOT, ang Tourism Promotions Board (TPB), ang Philippines ang Tourism Initiative of the Year kung saan ang Chief Operating Officer ng ahensya na si Marga Nograles ang tumanggap ng parangal kasama si Secretary Frasco.