Calendar
DOTr, LTFRB pinag-aaralan kung bibigyan ng amnesty mga TNVS drivers
PAG-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng amnesty sa mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) drivers na nakapag-onboard kahit lagpas na sa vehicle cap ng mga Transport Network Companies (TNCs).
Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, sumobra ang driver at vehicle cap ng ilang mga TNCs.
“Ang nangyayari po kasi dito, kung hindi naman napapayagan na mag-on boarding sila (drivers), hindi naman po sila makakabiyahe.
It’s not the reason na walang prangkisa at this point in time. What triggers this is for the TNC on boarding them,” sinabi ni Secretary Lopez.
Ayon pa sa Kalihim, mahirap ang sitwasyon ng mga driver dahil ang ilan sa kanila ay nakapag-loan para sa sasakyang gagamitin para sa TNVs.
“Kapag i-cucut natin sila right away, foreclosed lahat po ‘yan. Mas lalaki ang problema. And sabi ko nga the timing now, because of what’s happening in the Middle East is medyo alanganin din para sa kanila,” paliwanag niya.
Sa ngayon ay tinitimbang at pinag-aaralang mabuti ng DOTr kung ano ang makabubuti para sa lahat.

