Suspek Kinilala ni P/Lt. Col. Mike Gomez (kaliwa) ang truck driver na umano’y ikinulong ng 3 araw ang kanyang mag-ina noong nakaraang taon. Kuha ni JonJon Reyes

Driver ikinulong misis, anak, laglag sa parak

Jon-jon Reyes Feb 8, 2025
20 Views

ARESTADO ang 48-anyos na truck driver noong Huwebes dahil sa pwersahang pagkulong sa kanyang asawa at anak ng tatlong araw noong 2024 nang mabuking siyang may ibang bebot.

Nahuli ang suspek na si alyas Alvin Vizcarra sa 2nd St. corner Tacoma St., Port Area Manila.

Sa report ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, hepe ng Manila Police District-Baseco police station 13, bandang alas-10:30 ng umaga na damputin ang akusado sa pamumuno ni P/Capt. Mel Soniega.

Ayon kay PLt. Col. Gomez, isinalaysay ng isa sa mga biktima na si alyas Gina na noong 2024 nabuking niya ang suspek na may ibang babae habang kumakain sila sa Divisoria.

Nang komprontahin niya nagalit ang akusado at ikinulong sila ng kanyang anak ng tatlong araw sa loob ng truck.

Habang nakakulong ang mag ina, tanging plastic lamang ang inaabot ng suspek kung dudumi o iihi sila.

Dinala sila sa Bulacan kung saan sila nakatira kaya nakatakas ang mga biktima.

Dito na nagsumbong ang mag ina kaya naaresto ang suspek.

Nahaharap sa mga kasong serious illegal detention (2 counts) ang suspek.