Lumabas uli pagka-pintasera laitera ni ante
Nov 1, 2026
HANDA SA UNDAS
Nov 1, 2026
Calendar
Metro
Helper na suspek sa rape, timbog sa Munti
Edd Reyes
Feb 8, 2025
616
Views
NASAKOTE ng mga pulis ang 18-anyos na helper noong Biyernes sa Muntinlupa City dahil sa kasong panggagahasa.
Nadakip si alyas Nono sa pinagtaguang lugar sa Brgy. Tunasan, Muntinlupa dakong alas-11:00 ng umaga, ayon sa report.
Sa ulat kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Manuel Abrugena, sinabi ni Muntinlupa police chief Col. Robert Domingo na inaresto si alyas Nono sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Wehrly S. Gutierrez ng Family Court Branch 8 dahil sa kasong paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape Law).
May inilaang piyansa na P200,000 ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Nakapiit ngayon sa custodial facility ng Muntinlupa police ang naarestong suspek.
ANICETE: KULUNGAN MALUWAG PA PARA SA MGA KAWATAN
Nov 1, 2026
Brgy lider sumama sa cleanup drive sa Malate
Nov 1, 2026
KELOT NANAKIT NG ASO SA TAGUIG, NAKAPIIT
Nov 1, 2026
Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026

