Rex Gatchalian

DSWD nakapagbigay na ng mahigit 50K food pack sa apektado ng pag-aalburuto ng Mayon

134 Views

NAKAPAGBIGAY na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit 50,000 food packs sa mga pamilyang apektado sa pag-aaburuto ng bulkang Mayon.

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian ang bawat food pack ay may lamang anim na kilong bigas, siyam na de lata, kape, at ready-to-eat oatmeal.

Naghahanda na rin umano ang DSWD para sa pamimigay ng cash assistance sa mga apektadong pamilya.

Samantala, nagbayanihan naman ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Barangay Sta. Cruz, Guilid at Mahaba sa Ligao City, Albay at nagtayo ng vegetable community pantry sa Provincial Campsite sa Basag.

Ang community pantry ay nagbibigay ng libreng gulay na galing sa communal garden.

Nakataas ang Alert Level 3 sa Mayon kaya pinalikas na ang mga nakatira sa loob ng 6-kilometer danger zone.