Tacloban Mga nasunugan sa Tacloban City, inayudahan ng DTI

DTI binigyan ng tulong mga pamilyang nasunugan sa Tacloban

Chona Yu Mar 19, 2025
16 Views

Binigyan ng tulong ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga pamilyang nasunugan sa Brgy. 39, Sirin, Tacloban City, Leyte.

Ayon kay DTI Consumer Protection Division Chief Eleanor Etulle, kabilang sa mga ibinigay na tulong ay mga damit.

Bukod dito, nagsagawa rin ang DTI ng consumer rights orientation.

Nasa 23 na pamilya ang dumalo sa orientation.

Ayon kay Etulle, layunin ng Orientation on Basic Consumer Rights and Responsibilities na mabigyan ng proteksyon ang mga nasunugan laban sa mga mapagsamantalang negosyante.

“We are here today to provide you with valuable information about your rights and responsibilities as consumers, and we are more than willing to address your concerns,” pahayag ni Etulle.

Nagpasalamat naman si Barangay Councilor Abundio Serrano sa tulong g DTI.

“We are deeply grateful to DTI for bringing this advocacy to our barangay,” pahayag ni Abundio.