Rider

Ducati rider utas sa karambola

34 Views

TODAS ang rider ng mamahaling 1000cc Ducati super motorcycle ng maipit sa karambola sa Marcos Highway sakop ng Brgy. Mayamot, Antipolo City noong Sabado.

Base sa CCTV footage, tumatakbo sa pare-parehong direksyon mula sa Sta. Lucia patungo sa Masinag intersection ang Yamaha Sniper (386 QKT) na minamaneho ni Chel Jone Merino Mata, 28; Ducati (818 UXQ) na minamaneho ng namatay na si Lesley Tuazon Cruz, 47; at Elf truck na walang plaka at hindi nakilala ang driver na mabilis tumakas.

Sa hindi malinaw na dahilan, nagkasabitan ang tatlong sasakyan at tumilapon ang dalawang riders.

Isinugod ng rescue ambulance ang mga sugatan sa Antipolo Annex Mambugan Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival si Tuazon ng attending physician.

Tumakas ang driver ng truck kaya hindi nakilala.