Duguang polo, ibebenta ni Boss Toyo ng kalahating milyon

Vinia Vivar Apr 27, 2025
17 Views

Ni-reveal ni Boss Toyo na ang pinakamahal na item na nabili niya for his memorabilia collections ay mula kay Billy Crawford.

Sa interview ng collector/content creator sa “Unang Hirit” ay natanong ng host na si Lyn Ching kung ano ang most expensive item na nabili niya.

Tsika ni Boss Toyo, two weeks ago lang nang ibenta sa kanya ni Billy ang double platinum award for singing the theme song of the first “Pokemon” movie sa halagang P1 million.

Nasabi rin ni Boss Toyo na kung mayroon siyang ise-save na items from his collection sakaling magkaroon ng earthquake, ito raw ay ang polo na isinuot ni late Francis Magalona sa music video nito na “Bagsakan” at ang jersey nito na ibinigay sa isang special someone.

Natanong din ang collector kung siya naman ang magbebenta ng pag-aari niyang item ay ano ito at magkano niya ibebenta.

Aniya ay ang polo shirt niyang sira-sira na suot niya noong nasaksak siya with matching blood stains pa.

Itinago raw niya ang naturang polo pero hindi pa niya nahahanap kung saan niya nailagay. Kapag nakita raw niya ito ay ibebenta niya talaga sa halagang P500,000.