Dump truck umovertake sa bus, rider naipit, patay

60 Views

Rider naipit ng truck at bus, tigok

DEDO noong kamakalawa ang rider ng maipit ng truck na umo-overtake sa bus ang kanyang motorsiklo sa Brgy. Buli, Taal, Batangas.

Nakilala ang nasawi na si Jaypee Borromeo Manalo, 28, ng Munlawin, Alitagtag, Batangas.

Mismong ang driver ng truck ang nag-report ng insidente sa Taal police.

Sa imbestigasyon batay sa kuha ng CCTV, mabilis ang takbo ng dump truck dakong alas-4:00 ng madaling araw ng mag-overtake sa bus.

Nago-overtake din ang motorsiklo ni Manalo pero sumingit sa pagitan ng truck at bus kaya nauwi sa madugong trahedya ang pago-overtake ng truck at motor.

Nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang biktima na dinala sa Batangas Provincial Hospital Lemery Batangas kung saan siya idineklarang dead-on- arrival.