Calendar
Duterte bilang tagapamahala ng assets ni Quiboloy wa epek
Sa imbestigasyon ng Kamar
WALANG epekto ang pagkakatalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang assets administrator ni Pastor Apollo Quiboloy sa imbestigasyon ng Kamara de Representantes kaugnay ng mga paglabag ng Sonshine Media Network International sa prangkisa nito.
Sinabi ni 1-RIDER Party-list Rep. Rodge Gutierrez na walang nagbabawal kay Duterte upang maging administrator ng yaman ni Quiboloy, ang sinasabing beneficial owner ng SMNI.
“Of course, there’s very little prohibitions to a former president. As a private person he is free to take on any role that may be offered to him,” sabi ni Gutierrez sa isang pulong balitaan sa Kamara.
Dagdag pa niya, “Iyong question po if there’s any implications, I would say wala naman po siguro. Tuloy naman po at least on our part here sa House, tuloy naman po iyong inquiry and we don’t see any effect from that which remains to be seen. We don’t know in what manner an administrator will be participating pero tuloy pa rin po iyong ating inquiry.”
Matatandaan na ipina-subpoena ng House Committee on Legislative Franchises si Quiboloy matapos itong hindi dumalo sa mga imbitasyong ipinadala ng komite upang sagutin ang mga tanong sa isinasagawang pagdinig kaugnay ng panukala na bawiin ang prangkisa ng SMNI.
Ganito rin ang punto ni Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez sabay sabi na karapatan ni Quiboloy na italaga ang dating presidente bilang tagapamahala ng kanyang yaman.
“Naniniwala po ako na bilang dating pangulo siya po ay magsisilbing daan upang siguraduhin na kung anuman po ang mga legal processes na kakailanganin natin upang malaman ang mga questions of law that is now being faced by [KOJC], Swara Sug and all the other assets that would be available to the committee,” punto ni Suarez
Gaya ni Gutierrez, hindi nakikita ni Suarez na may mabigat na implikasyon ang naturang pagtatalaga kay Duterte dahil kailangan din aniya ng due process at pagtalima sa legal procedure patungkol sa naturang mga asset.
“Ang hinahabol naman po natin talaga dito ay iyong katotohanan, ang hinahabol naman po talaga natin dito ay iyong karapatan, at sisiguraduhin po natin na ito po ay dadaan sa maayos at tamang proseso dito po sa Kongreso,” giit ni Suarez.