Calendar
Dy nagsagawa din ng Serbisyong Sigurado program sa Isabela
๐๐๐๐๐๐๐ก๐ง๐จ๐๐๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ ๐๐ฎ๐ถ๐ฟ (๐๐ฃ๐ฆ๐) ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐๐น๐๐ป๐๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ธ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐ป ๐๐ผ๐บ๐ฒ๐ ๐ฅ๐ผ๐บ๐๐ฎ๐น๐ฑ๐ฒ๐, n๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ฑ๐ถ๐ป ๐๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ฒ๐ฝ๐๐๐ ๐ ๐ฎ๐ท๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐๐๐ฎ๐ฏ๐ฒ๐น๐ฎ ๐ฒ๐๐ต ๐๐ถ๐๐. ๐ฅ๐ฒ๐ฝ. ๐๐ฎ๐๐๐๐ถ๐ป๐ผ “๐๐ป๐ป๐ผ” ๐. ๐๐ ๐ฉ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด “๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฆ๐ถ๐ด๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ผ” ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐บ๐ฎ๐๐๐น๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ฏ๐ผ-๐น๐ถ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ฒ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป.
Pinangunahan ng House Deputy Majority Leader ang pamimigay nito ng ayuda para sa kaniyang mga kapos-palad na kababayan sa pamamagitan ng AKAP Payout na isinagawa sa bayan ng Echague, Isabela.
Sabi ni Dy na libo-libong mahihirap na mamamayan o mga benepisyaryo ng nasabing lugar ang nabahaginan nila ng tulong dahil sa suportang ibinigay din ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaya naging matagumpay ang inilunsad nilang programa sa pamamagitan ng SWAD-Team Isabela.
Pinasalamatan din ng Isabela congressman sina Speaker Martin Romualdez at President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. dahil sa walang sawang suporta na ibinibigay nila para maisakatuparan ang kanilang Serbisyong Sigurado program na naglalayong maiangat mula sa kahirapan ang kaniyang mga kababayan.
“Maraming salamat po kay Pangulong Bongbong Marcos at kay Speaker Martin Romualdez dahil sa inyong patuloy na suporta at pagtulong sa mga Isabeleรฑo. Napakalaking tulong po ang inyong nagagawa para maiangat ang pamumuhay ng aming mga kababayan,” wika ni Dy bilang pasasalamat kina Pangulong Marcos, Jr. at Speaker Martin Romualdez.