Andrade Bumira si Ateneo’s BJ Andrade ng tres laban kay UST’s Adama Faye. UAAP photo

Eagles itinumba ang Tigers

Theodore Jurado Nov 18, 2022
345 Views

MULING pinakawalan ng Ateneo ng isang malakas na third quarter upang talunin ang University of Santo Tomas, 72-55, at mapalakas ang kanilang tsansa na mahirit ng twice-to-beat slot sa Final Four ng UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Na-outscore ng Blue Eagles ang Growling Tigers, 27-10, sa third period upang buksan ang 62-37 kalamangan at hindi na lumingon pa.

Umakyat ang Ateneo sa 7-3 baraha, kalahating laro ang pagitan sa National University, na pinadapa ang University of the East, 70-61, para sa 8-3 kartada.

Umiskor sina BJ Andrade at Ange Kouame ng tig-14 points para sa Blue Eagles.

Bumuslo si PJ Palocielo ng walo sa kanyang 10 points sa payoff period upang tulungan ang Bulldogs na makopo ang ikatlong sunod na panalo.

Bumira si James Spencer ng career-high 19 points nang dominahin ng defending champion University of the Philippines ang Far Eastern University, 73-59. Umangat ang Fighting Maroons sa league-best 10-1 marka.

Samantala, pinakawalan ni CJ Austria ang unang buzzer-beater ng season nang maiganti ng La Salle ang first-round overtime loss sa Adamson sa pamamagitan ng 81-78 tagumpay.

Sa isang tira na posibleng magsalba ng season para sa Green Archers, kinunekta ni Austria ang three-pointer sa pagpaso ng oras, na siyang tumapos sa four-game losing skid ng Taft-based squad kahit na wala si injured guard Schonny Winston sa ikatlong sunod na laro.

Nanatili ang La Salle sa trangko para sa ikalawang sunod na Final Four stint na may 4-6 record, katabla ang kanilang biktima sa pang-apat.

Bumagsak ang Red Warriors at Tamaraws sa 4-7, habang nahulog sa 1-9 ang Growling Tigers. (Theodore P. Jurado)

Iskor:

Unang laro

DLSU (81) — Austria 16, M. Phillips 14, B. Phillips 14, Nonoy 8, Quiambao 8, Abadam 6, Nwankwo 6, Nelle 5, Estacio 4, Macalalag 0, Cortez 0, Manuel 0.
AdU (78) — Yerro 18, Flowers 15, Hanapi 10, Jaymalin 10, Douanga 10, Manzano 6, Sabandal 3, Colonia 2, Barasi 2, Fuentebella 2, Torres 0, Barcelona 0, W. Magbuhos 0.
Quarterscores: 23-23, 40-42, 57-62, 81-78

Ikalawang laro

NU (70) — Palacielo 10, Clemente 10, Figeuroa 9, Galinato 9, John 8, Malonzo 7, Enriquez 6, Manansala 5, Baclaan 2, Yu 2, Mahinay 2, Minerva 0, Padrones 0.
UE (61) — Stevens 14, Villegas 13, Payawal 12, Pagsanjan 7, K. Paranada 6, N. Paranada 5, Sawat 4, Tulabut 0, Remogat 0, Antiporda 0, Gilbuena 0.
Quarterscores: 16-13, 35-24, 48-39, 70-61

Ikatlong laro

UP (73) — Spencer 19, Diouf 11, Tamayo 10, Abadiano 9, Lucero 8, Cagulangan 6, Alarcon 6, Galinato 3, Ramos 1, Calimag 0, Torculas 0, Eusebio 0, Lina 0, Gonzales 0, Andrews 0.
FEU (59) — Bautista 12, Añonuevo 10, Gonzales 9, Tchuente 9, Sleat 7, Torres 7, Alforque 3, Sajonia 2, Tempra 0, Sandagon 0, Ona 0, Bagunu 0.
Quarterscores: 22-18, 43-32, 58-42, 73-59

Ikaapat na laro

Ateneo (72) — Andrade 14, Kouame 14, Padrigao 10, Koon 9, Ildefonso 5, Garcia 5, Chiu 4, Lazaro 3, Fetalvero 3, Fornilos 3, Ballungay 2, Quitevis 0, Daves 0, Lao 0, Ong 0.
UST (55) — Cabañero 26, Faye 10, Manalang 6, Pangilinan 6, Duremdes 5, Manaytay 2, Calimag 0, Laure 0, Mantua 0, Gesalem 0, Herrera 0.
Quarterscores: 22-10, 35-27, 62-37, 72-55