Calendar
Eala pahinga muna. Photo mula sa FB page ni Eala.
Eala hindi makakalaro sa Cincinnati
HINDI makakalaro ang Filipino tennis champion na si Alex Eala sa Cincinnati Open dahil sa kanyang left shoulder injury.
Ang nasabing shoulder injury ang sinasabing isa sa mga dahilan kung kaya nabigo ang 20-year-old na si Eala laban sa dating Wimbledon champion Marketa Vondrousova, 6-3, 1-6, 2-6 sa kanilang sagupaan sa Omnium Banque Nationale sa Montreal.
Sinimulan ni Eala ang tennis season sa paglalaro sa WTA125 at ITF W75/W100 bago tuluyang ginulat ang tennis world nung buwan ng Marso.
Sa Miami Open, umabot ang magaling na Filipina tennis player hanggang.semifinals, na kung saan tinalo nita ang mga Grand Slam champions.na sina Jelena Ostapenko, Madison Keys, at Iga Swiatek.
Kasalukuyang No. 65 sa world, naabot niamg kamyang career high na No. 56 a nung bywan ng Hunyo.
Papalitan si Eala ni Renata Zarazua g Mexico sa main draw ng Cincinnati Open, ang final WTA 1000 event bago ang inaabangang US Open aa New York Knicks.
Ang US Open ang pinaka-huling Grand Slam ng taon na lalaruan ni Eala.

