Dabarkads

‘Eat Bulaga,’ vs ‘EAT’ vs ‘It’s Showtime’: TV war isn’t over

Eugene Asis Jul 1, 2023
222 Views

ShowtimeBulagaTUNAY na inabangan ang pagbabalik sa noontime show ng Tito, Vic and Joey (Tito Sotto, Vicv Sotto and Joey de Leon). kasama ang original Dabarkads na sina Maine Mendoza, Ryan Agoncillo, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryzza Mae Dizon, Carren Eistrup at Allan K. Ito ay kahit wala pa ring pinal na titulo ito, bagama’t lagi nilang binabanggit ang salitang EAT, na binibigyan nila ng iba’t kahulugan tulad ng Eto ang Totoo (True, Tunay).

Tila isang malaking piyesta ang welcoming segment nito, lalo’t naroon ang pamilya ng mayor ng Mandaluyong, Mayor Ben Abalos, Sr. and Vice Mayor Menchie Abalos.

Mga bago ang ilang bahagi pero may halong lumang comedy acts ang ipinakita nila, lalo na sa Da Bar segment kung saan natawa naman kami. At yun siguro ang mahalaga, ang makapagbigay sila ng kasiyahan, bago man o sa lumang pamamaraan.

It was a big family event, dahil naroon ang respective families nina Tito, Vic and Joey, from Helen Gamboa and children (Quezon City Vice Mayor Gian Sotto and Ciara Sotto), Aileen Macapagal and daughter, Jocas Pauleen Luna, with Vic’s children (Oyo Boy and Danica) and in law (Kristine Hermosa). At talaga namang suportado sila ng buong pamilya dahil naroon ang hinahangaang mayor ng Pasig, si Mayor Vico Sotto.

At bilang bahagi rin ng pamilya, inabangan din ang pagdating ni Sharon Cuneta na nakisaya sa TVJ. At kahit na nga medyo ‘sumabit’ siya sa bandang huli ng kanyang pamosong awiting “Bituing Walang Ningning,’ hindi naman nabawasan ang ningning ni Sharon dahil ipinakita niya ang pagmamahal sa kanyang pamilya (kahit pansamantala silang pinaghiwalay ng pulitika).

Naramdaman namin ang pagluha ni Joey (sa kaligayahan at pasasalamat), at ang sigla nina Tito at Vic, dahil ayon na rin sa kanila, “nalaman naming mahal niyo pala kami,’ na ang tinutukoy ay ang matagal nang fans ng “Eat Bulaga.”

Ang tila hindi nila napaghandaang mabuti sa kanilang pagbabalik telebisyon ay ang kanilang studio na kulang sa garbo at laki upang magkaroon sila ng mas malaking audience.

Samantala, patuloy na nagbibigay ng malalaking papremyo ang “Eat Bulaga” sa GMA at mukhang nagi-enjoy naman ang mga host dito, mula kay Isko ‘Yorme’ Moreno, Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at iba pa na humihingi ng pang-unawa na ang kanilang ginagawa ay trabaho lang at wala silang hangad kundi ang mabigyan ng kasiyahan ang manonood.

Ang sorpresa sa noontime ay ang “It’s Showtime” na matapos mawala sa TV5 ay buong puso namang tinanggap ng Kapuso sa kanilang GTV. Sa totoo lang, sa tatlong magkakasabay na noontime shows, nagpakita sa amin ng maayos na programa, set-up, class at kalidad ang huling nabanggit na punumpuno ng naglalakihang pangalan sa telebisyon. TV war is actually not over. (Pasensiya na po, Atty. Felipe Gozon). It’s simply starting again.