David Corenswet David Corenswet

Bagong Superman at Lois Lane natagpuan na

Eugene Asis Jun 29, 2023
92 Views
Rachel Brosnahan
Rachel Brosnahan

NATAGPUAN na ang bagong gaganap na Superman (Clark Kent) at Lois Lane. Ito ay sina David Corenswet at Rachel Brosnahan.

Nag-tweet si James Gunn, DC Studios co-chair, na siya ring susulat at magdidirek ng “Superman: Legacy ” na nakatakdang i-release sa July 2025, tungkol sa pagpili nila sa mga bagong gaganap sa superhero. Isang representative naman mula sa productionj company itong Warner Bros. ang nagkumpirma rito.

Maraming espekulasyon kung sino ang susunod kay Henry Cavill bilang Superman, at marami ang nagulat nang mapili si Corenswet mula sa hanay na kinabibilangan nina Nicholas Hoult at Tom Brittney. Ang 29 taong gulang na si David na mula Philadelphia ay napanood sa Netflix series na ‘The Politician’ at ‘Hollywood’ ni Ryan Murphy at sa ‘Pearl’ ni Ti West.

Samantala, si Rachel Brosnahan bilang Lois Lane ay nakilala sa “The Marvelous Mrs. Maisel” na tumakbo ng limang season. Dahil sa kanyang pagganap bilang Midge Maisel, nanalo siya ng isang Emmy at dalawang Golden Globe awards. Ang mga nakalaban niya sa role ni Lois Lane ay sina Emma Mackey at Phoebe Dynevor.

Sampung taon ang ginugol ni James Gunn para sa plano ng paggawa ng “Superman: Legacy” na magpapakita ng aristokratang Kryptonian heritage ni Superman gayundin ang pagpapalaki sa kanya bilang Clark Kent sa isang maliit na midwestern town..