Statement

Ebrahim binatikos mga alegasyon vs BARMM, Lagdameo

103 Views

MAHIGPIT na binatikos ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod Ebrahim ang akusasyon ng korupsiyon laban sa regional government at kay Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr.

Batay sa akusasyon, na pinangunahan ng political figures sa rehiyon, si Lagdameo ay nag-misappropriate ng bilyon-bilyong piso para sa pagpapaunlad ng BARMM.

Sa isang statement, sinabi ni Ebrahim na ang alegasyon ay “mapanirang-puri” at “entirely fabricated”.

Nagpahayag siya ng pagkabahala sa posibleng pinsala na maaaring idulot ng alegasyon na ito sa reputasyon ng mga indibidwal na may kinalaman sa BARMM government.

“These libelous claims are entirely fabricated and are filled with ill intent,” sabi ni Ebrahim, binigyang-diin na walang ebidensiya na susuporta sa akusasyon.

Ibinunyag din ni Ebrahim na kasalukuyang pinag-aaralan ng Bangsamoro government ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga taong gumagawa ng malisyosong pahayag.

“The Bangsamoro government is studying its legal remedies against those who continue to malign its officers without evidence,” aniya.

Ang pahayag ng Chief Minister ay sa gitna ng political tension habang papalapit ang 2025 BARMM parliamentary elections. Hinikayat ni Ebrahim ang mga political leader na tumigil sa personal attacks, binigyang-diin ang pangangailangan para sa mapayapa, transparent, at mapagkakatiwalaang electoral process sa rehiyon.

“As the election period nears, we call on everyone not only to veer away from personal attacks and false accusations but also to be careful of malicious statements driven by selfish interest,” ani Ebrahim.