Droga Si Nueva Ecija police chief Col. Ferdinand Germino sa kanyang pagdalo bilang speaker at guest of honor sa 69th anniversary ng Nueva Ecija Press Club Inc. sa Lamarang restaurant sa Cabanatuan City.

Ecija pulis sumailalim sa surprise drug test, walang positibo sa droga

Steve A. Gosuico Sep 27, 2024
61 Views

LUNGSOD NG CABANATUAN–Sumailalim sa surprise drug test ang mahigit 400 na pulis sa Nueva Ecija alinsunod sa internal cleansing program ng Philippine National Poluce, ayon kay Col. Ferdinand Germino, hepe ng pulisya, sa kanyang speech sa ika-69 anibersaryo ng Nueva Ecija Press Club Inc. noong Huwebes.

“Natutuwa ako dahil isang araw pagkatapos ng surprise drug test l wala naman pong nag-positive,” ani Germino.

Dagdag niya, isa pang surprise drug test ang isasagawa sa lalong madaling panahon para sa natitirang batch ng mga pulis sa mga istasyon ng lungsod at munisipyo.

Ipinahayag ni Germino na sisimulan niyang ipatupad ang mga proyektong magha-highlight sa unang pagkakataon ng “best practices” sa kanyang tour of duty dito.

“Dapat ang pulis nasa kalsada, wala sa opisina, so as a pro-active measure against criminality, i-implement natin ang 85 percent ng ating pulis nasa kalsada at 15 percent nasa opisina,” dagdag ng opisyal.

Inihayag din ni Germino na nakatakdang i-reshuffle ang limang hepe ng pulisya na umabot na sa kanilang dalawang taong tour of duty sa kanilang lugar bilang bahagi ng normal na proseso ng PNP.

Tinukoy niya ang mga apektadong hepe ng pulisya na nakatalaga sa Gapan City, San Leonardo, Talugtug, Santo Domingo at Quezon.