MMDA

EDSA-Kamuning flyover isang buwang sarado

229 Views

SIMULA Hunyo 25 ay hindi na padaraanan sa mga motorista ang southbound lane ng EDSA-Kamuning flyover.

Tatagal ng 30 araw ang pagsasara nito upang makumpuni ang nasirang bahagi.

Nagsagawa naman ng clearing operation ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kalsada na gagamiting alternatibong ruta upang mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.