Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Electrician nabagsakan ng 1.5 toneladang generator set, patay

122 Views

KALUNOS lunos ang sinapit ng isang electrician matapos mabagsakan ng generator set na may bigat na 1.5 tonelada sa loob ng compound ng building at engineering company sa Quezon City nitong Martes ng umaga.

Ang 45-anyos na biktima ay binawian ng buhay dahil sa grabeng tinamong pinsala sa freak incident na naganap sa compound ng kumpanya na matatagpuan sa San Miguel St., Brgy. Tandang Sora sa lungsod.

Batay sa imestigasyon ni PCpl Michael Angelo Barrera ng Quezon City Police District (QCPD) Talipapa Police Station (PS-3), naganap ang aksidente dakong alas-10:40 ng umaga.

Habang binubuhat umano ng biktima at katrabaho ang generator set gamit ang backhoe ay nasira ang kadena na hawakan ng mga kagamitan.

Pagkaraan ay nahulog ang mga kagamitan sa biktima, na tumama sa biktima at sa kanyang kasama.

Dinala ang mga biktima sa Quezon City General Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ang isa sa kanila.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.