MPBL2 South Cotabato-Marikina game sa MPBL.

Elorde bida sa panalo ng South Cotabato

Robert Andaya May 24, 2024
122 Views

NAKALUSOT sa matinding hamon ang South Cotabato Warriors para maitakas ang 76-72 panalo laban sa Marikina Shoemasters sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season elimination round sa Alonte Sports Center sa Binan, Laguna.

Naging bayani si Nico Elorde para sa South Cotabato matapos ang kanyang go-ahead triple sa huling 46.4 segundo ng laro para sa ika-apat na sunod na panalo sa 29-team tournament na itinataguyod ni Sen. Manny Pacquiao.

Ang clutch triple ni Elorde pati na ang dalawang free throws ni John Wilson ay nakatulong sa Warriors na agawin ang kalamangan matapos ang six-point cluster na nagtulak sa Shoemasters sa 71-68 abante.

Split free throws nina Eric Pili ng Marikina at Wilson at dalawang charities naman ni Marwin Dionisio na may 1.7 seconds ang nalalabi para sa final score.

Si Elorde, na napiling “Best Player of the Game” ay na may 12 points, two rebounds at two assists para sa South Cotabato, na umakyat sa standings sa kanilang sixth win sa siyam na laro.

Sinuportahan siya nina Chris Dumapig, na may 11 points at seven rebounds; Kyle Tolentino, na may 10 points; at Wilson, na may nine points, five rebounds, three assists at three steals.

Ang Marikina, na bumagsak sa 1-8 win-loss frecord, ay nakakuha ng 17 points, three assists at two steals mula kay Ahron Estacio at 12 points at three rebounds mula kay homegrown star Eloie Tan.

The scores:

South Cotabato (76) — Elorde 12, Dumapig 11, Tolentino 10, Wilson 9, Acuna 8, Fajarito 6, Jamito 5, J.Cruz 5, Dionisio 4, Joson 4, Apreku 2, Cosip 0, Mahaling 0, Lantaya 0, Pacquiao 0.
Marikina (72) — Estacio 17, Tan 12, Mabigat 9, Udjan 9, Pili 6, Igliane 4, Evangelista 4, Casajeros 3, Escoto 2, De Liano 2, Mosqueda 2, Castellano 2, Demigaya 0, Landayan 0, Basco 0.
Quarterscores: 17-18, 40-30, 58-54, 76-72.