PCSO

Empleyado ng gobyerno isa sa dalawang nanalo ng P521.2M jackpot prize ng Grand Lotto

127 Views

Isang empleyado ng gobyerno sa Tacloban City ang isa sa dalawang nanalo ng P521.2 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola noong Disyembre 30, 2022.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) pumunta ang nanalo noong Enero 11 sa main office nito sa Mandaluyong City.

“Hindi po kami nakatulog, hindi po kami makapaniwala. Nakita po lamang naming na nanalo po yung tiket ay doon po sa Facebook, hindi po pa rin kami mapakali kaya pinanood po namin ang buong draw sa You Tube,” sabi ng nanalo.

Sinabi ng nanalo na madalang lamang siya tumaya at ipinaliwanag kung bakit napili nito ang mga numerong nanalo.

“Yung mga numero po ay hindi po naming alaga at bihira lang po ako tumaya, yung 1 po ay dahil January, 23 para sa 2023, 15 araw ng fiesta po sa Bohol, 8 at 3 edad po ng father ko na 83 years old na po at iyong 5 po ay gusto ng father ko umuwi sa Bohol ng January 5,” kuwento nito.

Lubos ang pasalamat ng nanalo sa Panginoon sa kanyang biyayang natanggap.

“Sana gabayan kami Lord para magamit itong blessings na binigay sa amin at sana ma i-share din naming ito sa mga taong nangangailangan at makatulong kami sa iba,” dagdag pa nito.