Phivolcs

Magnitude 5.9 yumanig sa DavOcc

15 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 5.9 ang yumanig sa Davao Occidental umaga ng Martes, Enero 24.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-10:13 ng umaga.

Ang epicenter nito ay 303 kilometro sa silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani. May lalim itong 27 kilometro.

Sinabi ng PHIVOLCS na ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 7.0 lindol sa Davao Occidental noong Enero 18.