Mag-ingat sa pagdaan malapit sa Mt. Kanlaon–CAAP
May 13, 2025
LANDSLIDE PANALO
May 13, 2025
Calendar

Nation
Empleyado ng Malacañang nasawi matapos bumagsak mula sa ika-4 palapag ng Mabini Hall
Jon-jon Reyes
Jul 14, 2022
319
Views
ISANG empleyado ng Malacañang ang nasawi matapos na mahulog mula sa ika-apat na palapag ng Mabini Hall.
Kinilala ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang nasawi na si Mario Castro, isang administrative aide na nakatalaga sa Information Communications Technology Office ng Deputy Executive Secretary for Finance and Accounting.
Ayon kay Cruz-Angeles nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang nangyari.
Nakiramay din ang opisyal sa pamilya ng nasawi.
Nahulog umano si Castro alas-5:50 ng umaga. Isang security guard, na nakarinig ng malakas na kalabog, ang nakakita sa kanya.
Siya ay dinala sa pagamutan kung saan ito binawian ng buhay.
PNP: Halalan payapa, ligtas, walang insidente
May 13, 2025
PBBM: Maraming salamat sa tiwala sa Alyansa
May 13, 2025