Calendar
Engkwentro sa Basilan: 2 sundalo dedo, 12 sugatan
DALAWANG sundalo ang naswi habang 12 iba pa ang nasugatan sa naganap na engkwentro sa pagitan ng lawless elements ang ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Sumisip, Basilan.
Nakilala ang mga nasawi na sina Cpl.Orlando James Diamel at PFC Mark Barat, pawang mga miyembro ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ayon kay Philippine Army 101st Infantry Brigade Commander Brigadier General Alvin Luzon, ang engkwentro ay naganap sa pagitan ng mga sundalo ng 32nd Infantry Battalion at lawless elements na suportadop ng MILF sa Barangay Lower Cabengbeng, Sumisip , Basilan , dakong 4:00 ng hapon nitong Miyerkules.
Ayon sa ulat , nagbibigay ng seguridad ang mga sundalo sa mga kinatawan ng United Nations Development Program (UNDP) sa naturang barangay nang tambangan ang mga ito .
Ang mga kinatawan ng UNDP ay nagsasagawa ng validation mission at stakeholder coordination sa komunidad para sa project modeling livelihood initiatives.
Ang proyekto ay isinagawa ng mayroong kaukulang koordinasyon sqa Joint Peace and Security Committee JPSC sa ilalim ng Joint Normalization Committee JNC.
Bukod sa pananambang sa mga sundalo, sinunog din ng armadong grupo ang military truck at ilan sa mga suspects ay nagpakupa pa ng larawan sa ambush site.
Agad naman kinundina ng Armed Forces of the Philippines ang insidente.
Sa pinakahuling ulat, sinabi ni Luzon na ang pag-atake sa mga sundalo ay pinangunahan nina Najal Buena at oman Halal Jalis .
Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Philippine army sa PNP at local government unit para tugisin ang mga nasa likod ng pananambang.