Calendar
Estudyante sa kolehiyo kinasuhan dahil ‘Peeping Tom’
KINASUHAN ng babaeng Korean national ang 23-anyos na college student dahil sa pamboboso sa kanya gamit ang cellular phone sa Muntinlupa City.
Isinampa ng dayuhan ang reklamong paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 laban sa estudyante sa Muntinlupa City Prosecutor’s Office nang mabuko na hindi lang pala isang beses kundi maraming ulit na siyang binobosohan ng suspek.
Pinakahuling pamboboso ng suspek noong Setyembre 21 ng banggain siya ng estudyante sa Soldiers Hills na pag-aari ng biktima.
Nang bahagya siyang mawalan ng balance ay nakita niyang nakatuon ang cellphone ng suspek sa ilalim ng kanyang palda.
Lalo pang nakumpirma ng biktima ang pangyayari nang iparebisa niya ang kuha ng kanilang CCTV kayat iniutos niya sa kanyang tauhan na humingi ng tulong sa barangay.
Nang ipatawag ng barangay ang estudyante, kasama ang magulang, inamin niya ang madalas na ginagawang pamboboso sa dayuhan sa tuwing may bibilhin siya sa tindahan at humingi na lang ng tawad.
Hindi pinalagpas ng dayuhan ang madalas na pamboboso at nagpasiyang tuluyang kasuhan ang estudyante.
