Zamboanga Zamboanga-Bacolod game sa MPBL.

Ex-MVP Marcelino, Zamboanga nagpa-init

Robert Andaya May 18, 2024
169 Views

SUMANDAL ang Zamboanga Master Sardines sa mainit na mga kamay ni dating MPBL MVP Jaycee Marcelino upang pataubin ang Bacolod City of Smiles, 77-62, sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season elimination round sa Olivarez College gym sa Parañaque City.

Nagpasikat si Marcelino sa kanyang 23 points at 4 rebounds sa kabila ng natamong nose injury sa third quarter para sa ika-pitong panalo sa walong laro ng Zamboanga.

Matindi din ang nilaro nina Rey Joey Barcuma, nay may 12 points, 3 rebounds at 3 assists; Adrian Santos, na may 10 points at 7 rebounds; at Kenneth Alas, anak ni Zamboanga coach Louie Alas, na may 6 points, game-high 14 rebounds, 2 assists at 2 steals.

Umiskor ang mga homegrown players na sina John Lemuel Pastias at Jacob Galicia.ng 12 at 10 points para sa Bacolod, na bumagsak sa 1-7 sa overall standings ng 29-team regional tournament na itinatag ni Sen. Manny Pacquiao at itinuturing ngayon na “Liga ng Bawat Pilipino.”

Ang PBA legend na si Kenneth Duremdes ang nangangasiwa bilang commissioner.

The scores:

Zamboanga (77) — Jc. Marcelino 23, Barcuma 12, Santos 10, Alas 6, Publico 6, Terso 5, Gabayni 5, Strait 4, Apolonio 2, Tansingco 2, Mahari 2, Ignacio 0, Subido 0, Fuentes 0, Celestino 0.
Bacolod (62) — Pastias 12, Galicia 10, Sedillo 7, Canal 7, Ramos 5, Casinilio 4, Marilao 4, Pardo 3, Espanola 2, Ubalde 2, Pemoningan 2, Salcedo 2, Galit 0, Patrosa 0.
Quarterscores: 22-13, 38-32, 57-43, 77-62.