Calendar
Ex-solon suportado pagpapatupad ng anti-bullying law
SINUSUPORTAHAN ni dating OFW Party List Rep. Marissa Magsino ang mga panawagan para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Bullying Law kasunod ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Pagbibigay diin ni Magsino, ang malagim na pangyayari ang magsilbi sanang “eye opener” upang tuluyan ng magkaroon ng pagtutok sa Anti-Bullying Act upang hindi muling maulit ang ganoong insidente.
Kinondina ng ex-solon ang trahedya bagama’t nilinaw niya na walang dapat sisihin sa insidente.
Gayunman, kinakailangan ang mas maigting na implementasyon ng batas sa bullying, dagdag niya.
Dismayado si Magsino na sa kabila ng umiiral na batas laban sa pabu-bully na nagaganap sa loob ng mga paaralan, hindi parin nito napigilan ang mga ganitong panggigipit at karahasan.
Iginigiit din ng dating mambabatas ang pagbibigay halaga sa pagkakaroon ng counselling sa mga pribado at pampublikong paraalan para tugunan ang isyu ng mental health ng mga estudyante.
Ang mga kabataang mag-aaral na dumaranas ng mental health concern ay maaaring nakaka-isip ng mga hindi kanais-nais na bagay kagaya ng karahasan.
“Marahil ay dapat sugurong muli nating bigyan ng pansin ng mental health issue ng mga kabataang mag-aaral dahil hindi natin alam ang kanilang pinagdadaanan.
Ang trahedya sa SJNHS ay mahabang usapin, maraming bagay at issues ang kailangan nating tutukan. Isa na nga dito ang mental health,” sabi ni Magsino.

