Tulfo

Ex-VP Leni nagpasalamat kay Cong. Tulfo

10 Views

Sa maagap na pag-accredit sa Angat Buhay Foundation ng DSWD

LABIS ang pasasalamat ni dating Vice President Leni Robredo kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, na noo’y kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), dahil sa maagap na pag-accredit ng Angat Buhay Foundation ng kanilang grupo.

Ipinaabot ni Mrs. Robredo ang pasasalamat nang magkita sila ni Cong. Tulfo sa isang restaurant sa Naga City.

“Thank you for the speedy approval of the accreditation of our foundation before kahit na we were considered the opposition,” anang dating bise presidente.

Tugon naman ni Tulfo na kasalukuyang House Deputy Majority leader, “Naku, ma’am, mahigpit na bilin ni Pang. Marcos, walang titingnang kulay ang DSWD sa pagtulong hanggang ngayon.”

“Instruction kasi ni PBBM sa lahat ng kalihim niya na tulungan ang sinumang lalapit sa gobyerno kahit nasa oposisyon pa ito,” dagdag pa ni Cong. Tulfo.

Inamin din ni Gng. Robredo kay Tulfo na wala na itong interes tumakbo sa national position sa darating na halalan kundi bilang mayor na lang ng Naga City.