Volleyball Mawawala si Kalei Mau sa unang sabak ng F2 Logistics sa PVL sa susunod na linggo. Puso Pilipinas photo

F2 Logistics palaban kahit wala si Kalei

Theodore Jurado Mar 10, 2022
542 Views

NAGHAHANDA na ang powerhouse F2 Logistics sa kanilang inaabangang debut sa Premier Volleyball League sa kabila na wala ang kanilang pambatong si Kalei Mau.

Hindi maglalaro ang Hawaii-born open hitter, na naging 27 anyos kahapon, sa unang salang ng Cargo Movers’ sa now-professional volleyball league dahil sasalang si Mau sa fledging Athletes Unlimited sa United States.

Ang tanging professional women’s volleyball tournament saUS, magsisimula ang Athletes Unlimited ang kanilang ikawalawang season sa March 16 at tatagal ng limang linggo, na siyang sasagasa sa Open Conference.

Sa kanyang mga nakalipas na social media posts, nagkaroon si Mau ng media day shoot sa Athletes Unlimited at nagkita silang uli ng dating kakampi sa F2 Logistics na si Lindsay Stalzer sa Dallas.

Naging bahagi si Mau sa F2 Logistics champion squad na walang talo sa PNVF Champions League noong nakaraang taon kasama sina Majoy Baron, Kianna Dy, Aby

Maraño, Iris Tolenada at libero Dawn Macandili.

Nawala man sina Desiree Cheng at Aduke Ogunsanya, nagawan ng Cargo Movers na makuha sina Southeast Asian Games beach volleyball bronze medalist Dzi Gervacio at dating NCAA MVP Shola Alvarez sa off-season.

Isa sa matagumpay na volleyball clubs sa bansa, bibinyagan ang F2 Logistics sa PVL kontra sa Black Mamba-Army sa alas-3 ng hapon sa March 16 sa Paco Arena.

Sisimulan naman ng Chery Tiggo ang pagdedepensa ng korona laban sa Cignal HD upang tuldukan ang ekplosibong opening day doubleheader sa alas-6 ng gabi.

Gagamitin ang pool play setup kung saan magkakasama ang Chery Tiggo, F2 Logistics, Choco Mucho, Cignal at Army sa Group A at binubuo ng Creamline, PetroGazz, PLDT and BaliPure ang Group B.

Matapos ang single round elims, ang top four sa Group A at ang lahat ng apat na koponan sa Group B ay aabante sa knockout quarterfinals kung saan tangan ng No. 1 at 2 teams ang twice-to-beat na bentahe.

Ang semifinals at Finals ay nasa traditional pa rin nabest-of-three format.

Orihinal na tatagal sana ng tatlong buwan, napaikli ang kalendaryo upang magbigay daan sa training ng national team building para sa SEA Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.

Laro sa Miyerkules

(Paco Arena)
3 p.m.– Black Mamba-Army vs F2 Logistics
6 p.m. — – Chery Tiggo vs Cignal HD