Kathden

Fans excited na sa Love, Hello, Again

Aster A Amoyo May 21, 2024
97 Views

IS there something special going on sa pagitan ng ex-girlfriend ni Daniel Padilla of 11 years, ang Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo at ang Kapuso prized star na si Alden Richards?

Although wala pang pag-amin na nagmumula sa dalawa, marami ang nakakapansin sa extra sweetness sa kanilang pagitan sa maraming okasyon at pagkakataon laluna sa birthday and post birthday celebration ni Kathryn last March.

It was last November 30, 2023 nang sabay na kumpirmahin ng dating magkasintahang Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay sa pamamagitan ng kanilang respective IG accounts.

Since single muli si Kathryn at nananatiling unattached si Alden, ang mga fans mismo ng dalawa ang nagbunyi sa posibilidad na matuloy sa totohanan ang kanilang love story sa kanilang record-breaking movie in 2019, ang “Hello, Love, Goodbye” na pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Sampana and produced ng Star Cinema. The movie grossed over P880-M at naging top grossing local film of all time unti ito’y ma-dislodged ng “Rewind” ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa nakaraang Metro Manila Film Festival na nagtapos nung January 7, 2024.

Ang magandang balita, muling magtatambal for the second time sina Kathryn at Daniel sa sequel ng “Hello, Love, Goodbye” na magiging

“Hello, Love, Again” na muling pamamahalaan ni Direk Cathy at iku-co—produce ng Star Cinema at GMA Pictures.

Ngayon pa lamang ay sobra nang excited ang respective fans nina Kathryn at Alden maging ang mga fans ng KathDen sa balik-tambalan ng dalawa.

Noon pa man ay may lumutang nang balita sa sequel ng “Hello, Love, Goodbye” pero hindi ito natuloy dahil sa pandemic. Natakpan ang balitang ito ng balik-pelikula nina Kathryn at Daniel sa pamamagitan ng pelikulang “After Forever” na pamamahalaan pa rin sana ni Direk Cathy pero hindi ito natuloy hanggang nagkahiwalay ang dalawa. Dahil sa mga pangyayari, nag-resurface ang reunion movie nina Kathryn at Alden at ito’y maisasakatuparan na.

Sa ending ng “Hello, Love, Goodbye” ay naiwan sa Hong Kong si Ethan (Alden) habang si Joy (Kathryn) ay lumipad patungong Canada para doon ituloy ang kanyang mga pangarap. Magkakaroon ng karugtong ang pagmamahalan nina Joy at Ethan sa upcoming movie na “Hello, Love, Again” na kukunan mismo sa Canada.

At least ngayon ay may linaw na ang balik-tambalan nina Kathryn at Alden kumpara noon na pawang espekulasyon lamang.

Nash at Mika bata marami ang ginulat

MARAMI ang ginulat ng newly-wed celebrity couple na sina Nash Aguas at Mika de la Cruz nang ikasal ang dalawa nung nakaraang linggo, May 19 sa isang intimate wedding na ginanap sa Adriano’s Events Place and Prayer Garden in Tagaytay City.

Sina Nash at Mika ay parehong nagsimula ang respective careers sa bakuran ng ABS-CBN at parehong grumadweyt ng dating top-rating kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” ng Kapamilya Channel.

Unang nagkakilala ang dalawa sa set ng pelikulang “Tiyanaks” nung 2007 nung pareho pa silang mga bata at naging close nang muli silang magkasama sa kiddie gag show na “Goin’ Bulilit”. Pero naging magka-loveteam sila ni Alexa Ilacad in their teens at sila’y pinagsama sa teen TV series na “Luv U” maging sa teen drama series na “Bagito” at sa “The Good Son” kung saan si Joshua Garcia ang pangunahing bida. Pero sa kabila ng kanilang loveteam ni Alexa ay crush na noon pa ni Nash si Mika.

Nabuwag ang tambalan nina Nash at Alexa nang maging open ang relasyon ng young actor kay Mika na lumipat na noon sa bakuran ng GMA.

Even at a young age ay masinop na sa buhay si Nash at marunong humawak ng perang kanyang kinikita. Sa katunayan at age 20 ay nakabili na ito ng bahay sa Las Vegas, Nevada, USA.

Nung 2022 national elections ay tumakbo si Nash bilang konsehal ng Cavite at ito’y nanalo.

Si Mika naman ay nakababatang half-sister ng aktres na si Angelika de la Cruz. Her biological father is a Japanese national habang ang kanyang ina ay isang Italian-Austrian but she used the screen name na Mika de la Cruz na hango sa family name ng kanyang late stepfather na si Ernie de la Cruz, ama ni Angelika.

Dahil kilala na noon si Angelika, naging madali ang pagpasok sa showbiz ni Mika na nagsimula sa bakuran ng ABS-CBN . After 11 years with ABS-CBN’s Star Magic ay lumipat siya ng GMA.

Sina Nash at Mika ay parehong 25 years old nang magpakasal.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Folloe me on Instagram and Facebook and X@aster_amoyo.