Fireworks disposal sa Zambo sumabog, 19 sumabog

108 Views

LABING-siyam na uniformed personnel ang nasugatan sa malakas na pagsabog habang isinasagawa ng fireworks disposal activity nitong Lunes sa Zamboanga City.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO)9 kabilang sa mga nasugatan ang anim na miyembro ng Philippine National Police – Regional Explosives and Canine Unit 9, limang miyembro ng Bureau of Fire Protectin, tatlong miyembro ng Philippine Coas Guard at limang miyembro ng Philippine Marines.

Naganap ang insidente Lunes ng hapon sa firing range ng Philippine Marines na matatagpuan sa Barangay Cabatangan.

Nagasasagawa ang mga biktima ng tamang disposal ng mga paputok at pyrotechnics sa naturang lugar nang biglang maganap ang malakas na pagsabog.

Nadamay sa pagsabog ang sasakyan ng PNP at fire truck ng BFP.

Agad namang iniutos ni PRO -9 Director Brig. Gen. Bowena Masauding ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa insidente.

Iniutos ni Mayor John Dalipe ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima.

Napag-alaman ang ang aktibidad ay ang ika-apat at huling disposal activity na isinagawa para sa mga fireworks at pyrotechnics na na-recover ng mga awtoridad mula sa imbakan na sumabog noong June 29.