Shooting Source: PNP Calabarzon

Flag-raising pinagbabaril; 3 bgy exec patay; suspek na ex-tanod nagbaril sa sarili

Zaida Delos Reyes May 26, 2025
30 Views

PATAY ang tatlong opisyal ng barangay matapos pagbabarilin ng dating barangay tanod na nagbaril din sa sarili sa gitna ng isinasagawang flag-raising ceremony nitong Lunes ng umaga sa Barangay Salitran 3, Dasmariñas City, Cavite.

Nakilala ang mga nasawi sa alyas na Raul, 56-anyos, kapitan ng barangay; Marvin, 54-anyos; at Jose, 65-anyos, pawang mga kagawad ng barangay.

Nagbaril naman sa sarili ang suspek na si alyas Ariel, 50-anyos, dating barangay tanod at residente rin ng lugar.

Sugatan din sa insidente ang SK secretary na si alyas Christine Joseph.

Batay sa ulat ng Dasmariñas City Police, naganap ang insidente dakong alas-8 ng umaga sa barangay hall.

Nasa gitna umano ng flag ceremony ang mga biktima nang pagbabarilin ang mga ito ng suspek na kalaunan ay nagbaril din sa sarili.

Nadala pa sa pagamutan ang mga opisyal ng barangay subalit dalawa sa kanila ang idineklarang dead on arrival at ang isa ay binawian ng buhay habang ginagamot.

Maging ang suspek ay dinala rin sa St. Paul Medical Center subalit hindi na rin ito umabot ng buhay.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa insidente.