Mayweather1 Si Floyd Mayweather, Jr. kasama ang AQ Prime executives, Atty. Honey Quino (nakaupo) at Atty. Aldwin Alegre (dulong kaliwa, nakatayo) at ilang South Korean counterparts ng AQ

Floyd Mayweather, Jr. nasa bansa, may mensahe para kay Manny Pacquiao

Eugene Asis Sep 30, 2022
186 Views

NASA bansa ngayon ang retired world boxing champ na si Floyd Mayweather, Jr.

Noong Huwebes nang hapon, Setyembre 29, humarap si Mayweather sa media bilang bagong mukha ng film production company at streaming app na AQ Prime.

Matagal naghintay ang media people mula sa entertainment, sports at lifestyle, gayundin ng mga social media influencer sa The Cove sa Okada Resorts and Hotel kung saan ginanap ang presscon para kay Mayweather.

Kaagad namang humingi ng paumanhin si Mayweather at nagpaliwanag na may kailangan siyang ayusing problemang pampamilya sa Las Vegas. Pero sa kabila ng matagal na paghihintay, excited ang media people na harapin si Mayweather.

Naroon ang boxing living legend bilang endorser o mukha ng AQ Prime. Sinamahan siya sa stage (na ala boxing ring) ng mga AQ Prime executives na sina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Honey Quino (na kasalukuyan ding OWWA Deputy Assistant), gayundin ng consultant ng AQ Prime na si RS Francisco at mga South Korean counterparts sa AQ Prime.

Nang tanungin siya tungkol sa posibleng exhibition bout kasama ang Pinoy boxing legend na si Manny Pacquiao, sinabi ni Mayweather na mas gugustuhin niyang makasama ito sa isang adhikain na magturo o mag-train ng mga mahuhusay na boksingero sa bansa.

Nagkita ang dalawa sa Saitama, Japan kamakailan at may pahiwatig ng rematch ang ilang sektor, pero walang ipinakitang interest si Mayweather sa usaping ito.

Samantala, pinuri ni Mayweather ang mga Filipino bilang mga tao, kaya naman hindi siya nagsasawang bumalik sa bansa at mamasyal sa ilang tourist spots tulad ng Palawan at Boracay.

Nang tanungin namin siya kung may posibilidad na tumanggap siya ng alok bilang aktor sa Hollywood, sinabi niyang hindi niya linya ang pag-arte, pero may posibilidad na mapanood siya sa AQ Prime kung saan pinag-uusapang ipalalabas ang isang dokumentaryo tungkol sa kanyang buhay.