Foreman

Foreman na wanted sa gahasa ng minor sa P’que, nakorner sa Rizal

31 Views

ILANG araw ding tiniktikan ng pulisya ang Top 1 Most Wanted na pugante ng Paranaque City bago tuluyang madakip sa pinagtaguang lugar Martes ng gabi sa Binangonan, Rizal.

Tinangka pang tumakas ni alyas “Tom”, 35, foreman, nang matunton siya ng mga tauhan ni Paranaque police chief P/Col Melvin Montante sa kanyang tinitirhan sa Lower Madrigal, Palangoy, Binangonan, Rizal, dakong alas 6:15 matapos ang ginawang pakikipag-koordinasyon ng pulisya sa Binangonan Municipal Police Station.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Joseph Arguelles, tatlong magkakahiwalay na warrant of arrest ang inilabas ni Paranaque Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Marie Grace Javier-Ibay ng Branch 194 laban sa akusado bunga ng ginawang panghahalay sa menor-de-edad na batang babae.

Walang piyansang inirekomenda ang hukuman sa dalawang bilang na kasong Statutory Rape laban kay alyas Tom habang naglaan naman ng P200,000 na piyansa para sa isang bilang na kasong rape.

“I commend the Parañaque City Police Station for their efficiency, discipline, and coordination that led to the arrest of a high-priority fugitive. This operation proves that no matter how far or how long one tries to escape, justice will always catch up. Our mission to protect the vulnerable and uphold the rule of law continues with urgency and resolve,” pahayag ni BGen. Arguelles.