Ridon: Paglalakwatsa ni VP Sara ‘di na bago
Aug 4, 2026
Calendar
Source: DOST-PAGASA
Nation
Francisco lumalakas, inaasahang maging super bagyo
Melnie Ragasa Jimena
Jun 22, 2026
148
Views
LUMALAKAS ang bagyong Francisco at inaasahang magiging super typhoon sa loob ng 12 oras, ayon sa PAGASA.
Huling namataan ang bagyo sa layong 625 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan, taglay ang lakas ng hanging 175 kph at pagbugsong 215 kph.
Nakataas ang signal no. 1 sa Batanes at Cagayan kabilang ang mga bayan ng Gonzaga, Santa Ana at silangang Babuyan Islands.
Pinalalakas ng bagyo ang habagat na magdudulot ng malalakas na hangin at maalon na karagatan sa ilang bahagi ng bansa.
Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Biyernes habang kumikilos patungo sa Ryukyu islands sa southern Japan.
Ayon sa PAGASA, no. 2 ang pinakamataas na signal na maaaring itaas habang nasa PAR ang bagyo.
Ridon: Paglalakwatsa ni VP Sara ‘di na bago
Aug 4, 2026
P125M nagastos sa loob ng 11 araw–prosecutor
Aug 4, 2026
