Calendar
Frasco, bagong sustainable communities adviser
ITINALAGA ni Ferdinand Marcos Jr. si Christina Garcia Frasco bilang Presidential Adviser for Sustainable and Resilient Communities, ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office.
Sa bagong posisyon, inaasahang tutulong si Frasco sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan na nakatuon sa matatag at napapanatiling pag-unlad ng mga komunidad, lalo na sa harap ng mga sakuna at epekto ng climate change.
Kasunod ng kanyang paglipat sa bagong tungkulin, pansamantalang pamumunuan ng Officer-in-Charge na si Verna Buensuceso ang Department of Tourism habang wala pang itinatalagang permanenteng kalihim ng ahensya.
Si Frasco ay nagsilbi bilang tourism chief ng bansa at dating alkalde ng Liloan, Cebu bago itinalaga sa national government.
