Frasco

Frasco muling umarangkada sa pagpapasinaya ng kaniyang mga proyekto

Mar Rodriguez May 1, 2024
111 Views

Frasco1Frasco2Frasco3Frasco4PAGKATAPOS nang muling pagbubukas ng session ng Kongreso muling umarangkada si House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco sa pagpapasinaya ng mga proyekto nito para sa kaniyang lalawigan na kaniyang inumpisahan sa Munisipalidad ng Liloan.

Pinangunahan ni Frasco ang groundbreaking para sa isasagawang road concreting projects na nagkakahalaga ng P25 million upang matulungan ang mga residente ng Liloan na maging maginhawa ang kaniyang pagbibiyahe sa pamamagitan ng maayos na kalsada.

Pinasinayaan din ni Frasco ang isa pang road concreting project ng Ka Paz Road sa Barangay Catarman na nagkakahalaga ng P5 million para pagagaanin ang travel time ng mga residente ng Barangay Catarman patungo sa kanilang negosyo, trabaho, paaralan at kabuhayan.

Nabatid pa sa Deputy Speaker na kabilang din sa road concreting project na pinasinayaan ay ang “solar streetlighting” na nagkakahalaga ng P20 million sa Barangay Tabla.

Sinabi ni Frasco na malaki ang maitutulong ng dalawang road concreting projects para maibsan ang hirap na dinaranas ng napakaraming residente papunta sa kanilang paaralan at pabalik naman sa kanilang tahanan. Magiging ligtas din sila sa tulong ng mga solar streetlights.

“The two new road concreting will help residents in their daily commute to and from work or school back to their households as well as ensure safety while travelling especially at night with the addition of the solar streetlights,” sabi ni Frasco.

Nauna rito, ipinahayag nina House Deputy Speaker Frasco at Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco na patuloy ang kanilang “scholarship program” para sa mga mag-aaral sa Liloan, Cebu.