Calendar
Frasco nag-ala Santa Claus savDanao City, Compostela
RAMDAM na ng mga Cebuano ang Kapaskuhan matapos mamahagi ng milyon-pisong “cash assistance” si House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Rep. Vincent Franco “Duke” D. Frasco para sa libo-libong mahihirap na residente ng Danao City at Compostela, Cebu.
Pinangunahan ng House Deputy Speaker ang pamamahagi ng cash assistance na sa kabuuang halaga ay umaabot ng P6.6 million para sa tinatayang 2,140 benepisyaryo ng Danao City.
Sabi ni Frasco na malaki ang maitutulong ng ipinamahagi nitong cash assistance upang mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap na mamamayan ng Compostela at Danao City sa pamamagitan ng pagpundar ng kanilang sariling megosyo at kabuhayan.
Paliwanag pa ng kongresista na ang pamamahagi nito ng cash assistance ang isa sa kaniyang mga prayoridad para tulungan ang kaniyang mga kababayan na makabangon mula sa kahirapan.
To God be the Glory