Calendar

Frasco nakakapagpasinaya sa mga proyekto kahit abala
๐๐๐๐๐ ๐’๐ ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ต๐ถ๐ด๐ฝ๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ผ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ’๐-๐ธ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐๐๐ฒ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ฑ๐ฒ ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐, n๐ฎ๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ฒ๐ฝ๐๐๐ ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ธ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ฏ๐ ๐ฑ๐๐ต ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฉ๐ถ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ผ “๐๐๐ธ๐ฒ” ๐. ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ฐ๐ผ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฐ๐ต๐ฒ๐ฑ๐๐น๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ถ๐๐ถ๐ป๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ธ๐๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ผ.
Para sa House Deputy Speaker, pinangatawanan nito ang kasabihan na “the show must go on” sa gitna ng mabibigat na usapin na kasalukuyang pinagkakaabalahan at tinututukan ng Kongreso.
Pinangunahan nito ang pag-turnover sa dalawang infrastructure project nito sa Munisipalidad ng Borbon sa Cebu na nagkakahalaga ng P10 million.
Paliwanag ni Frasco na sinisikap nitong hatiin ang kaniyang trabaho at oras bilang House Deputy Speaker at kinatawan naman ng 5th District upang hindi niya makaligtaan ang pagbibigay nito ng serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng kaniyang mga kababayan kabilang na dito ang paghahatid ng financial at livelihood assistance para sa mga mahihirap na mamamayan ng kanilang lalawigan.
Ayon kay Frasco, kabilang sa mga tinutukan nitong proyekto kamakailan ay ang ginawa nitong pag-turnover sa bagong covered court ng Don Gregorio Antigua Elementary school sa Barangay Don Gregorio Antigua. Nagpahayag ng malaking pagpapasalamat ang pamunuan ng naturang eskuwelahan.
Ipinabatid din ng kongresista sa ๐ฃ๐ฒ๐ผ๐ฝ๐น๐ฒ’๐ ๐ง๐ฎ๐น๐ถ๐ฏ๐ฎ na isa pang infrastructure project ang kaniyang pangunahan na inaasahang magbibigay ng napakalaking benepisyo para sa mga residente ng Barangay Poblacion sa pamamagitan ng bagong paggawang covered court ng Sition Gaban sa nasabing lugar na nagkakahalaga ng P5 million.
Sabi pa ni Frasco na tiyak na malaki ang magiging pakinabang ng mga mamamayan ng Barangay Don Gregorio at Sitio Galaban sa kanilang bagong covered court na maaari nilang pagdausan ng school activities, events sa panahon ng piyesta at iba pang okasyon.
“Kahit masyado tayong busy dahil sa dami ng ating trabaho sa Congress, hindi pa rin natin nakakalimutang tutukan ang ating mga proyekto sa ating distrito,” sabi ni Frasco.