Frasco Inaabot ni Department of Tourism (DOT) Region 3 Director Richard Daenos ang trophy galing sa World Culinary Awards kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco.

Frasco tinanggap award ng Angeles bilang Asia’s Best Emerging Culinary Destination

Jon-jon Reyes Oct 22, 2024
9 Views

TINANGGAP ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco mula kay DOT Region 3 Director Richard Daenos ang trophy ng World Culinary Awards sa DOT central office sa Makati noong Lunes.

Napanalunan ng Angeles City, Pampanga ang Asia’s Best Emerging Culinary City Destination sa event.

Pinuri ni Secretary Frasco ang Pampanga Regional Office sa award na lalong nagpapatibay sa posisyon ng Pilipinas bilang destinasyong dapat puntahan sa pagluluto.

Ang parangal ipinagdiriwang ng Angeles City para sa pagpapalago ng turismo sa pagkain.

Patuloy na nakakaakit ng atensyon mula sa mga global food enthusiast ang culinary scene ng Angeles City.

Nagpahayag ng pasasalamat si Regional Director Daenos sa ngalan ng lungsod at lalawigan na itinatampok ang suporta para sa mga programang nakikinabang sa lokal na industriya ng turismo.

Ang World Culinary Awards kumikilala sa kahusayan sa culinary world, nagbibigay-pansin sa mga lungsod, restaurant at destinasyon na gumagawa ng makabuluhang kontribusyon sa pandaigdigang gastronomy.