GDP Source: PNA file photo

GDP ng Pilipinas aasahang lalago ng 6-7%

Chona Yu Apr 4, 2024
153 Views

ASAHANG lalago ng anim hanggang pitong porsyento ang gross domestic product (GDP) sa 2024.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na base sa pagtaya ng Development and Budget Coordination Committee (DBCC), lalakas ang GDP dahil isa ang Pilipinas sa pinakamabilis na growing economies sa Asia Pacific Region.

Bagamat binago ang growth targets mula sa 6.5 hanggang 7.5 porsyento, sinabi ni Balisacan na mananatiling maganda pa rin ang performance ng bansa.

Binago din ng DBCC ang growth target para sa 2025 mula sa 6.5 -7.5 porsyento patungo sa 6.5-8.0 porsyento habang pinanatili naman ang target sa taong 2026 hanggang 2028 na 6.5 hanggang 8.0 porsyento.

“This growth target will sustain the country’s position as one of the fastest growing economies in the Asia Pacific Region. Moreover, at this phase of growth, we are still on track to achieving or to reducing poverty incidence from 18 percent in 2021 to single digit level in 2028,” pahayag ni Balisacan.

Asahan na rin aniya na pasok pa rin sa target ang inflation sa 2028.

“The target range for inflation is retained at 2 to 4 percent for 2024 through 2028, following the government’s assessment of recent external and internal developments that impact the prices of major commodity groups,” pahayag ni Balisacan.

Paliwanag ni Balisacan, kaya binago ng DBCC ang GDP growth rate dahil sa developments sa global economy, partikular na sa trade at finance at ang pagbagal ng global economy, oil prices.

“Although we have to recuse in a way that is realistic and at the same time sustainable because our aim is to allow the opportunities for the economy to grow in a sustained basis and as you see, the economy will retain its position as one of the fastest growing economies,” pahayag ni Balisacan.