Gem Castillo kinilala bilang Most Empowered Woman of the Year

Eugene Asis Jun 28, 2023
275 Views

Gem Castillo Gem CastilloMULI na namang gagawaran ng isang natatanging parangal si Gem Castillo, ang First Lady ng San Pablo City sa Laguna, na kilala rin bilang isang philanthropist.

Ang dating singer-actress at miyembro ng ‘That’s Entertainment’ ay kikilalanin bilang Most Empowered Woman of the Year ng Nation Builders and Mosliv Gala Awards ngayong June 30, 2023 sa grand ballroom ng Okada Resorts and Hotel sa Pasay City.

Kasabay niyang pararangalan ang ilang senador at kongresista ng bansa.

Ito ay dahil sa walang sawa niyang pagtulong sa mga kabataan at mga kababaihan sa nasasakupan ng kanyang mister, si San Pablo City Mayor Vic Amante. Maraming out of school youths ang kanyang natutulungang makapag-aral ng libre, gayundin naman ang maraming kababaihang nabibigyan niya ng pagkakakitaan.

Labas pa ito sa mga libreng pagpapaospital at gamot para sa mga walang kakayahang magkaroon nito.

Mula pagkabata sa abot ng kanyang kakayahan ay sadyang matulungin na si Gem. Ngayon na mas malaki ang kanyang pagkakataon bilang First Lady ng San Pablo, ginagawa niya ang lahat upang matupad ang sariling adhikain.
Sa ngayon, mahigit sampu na ang mga pagkilala sa kanya na pawang mula sa mga lehitimo at malalaking award giving bodies. Bago rito, ginawaran din siya bilang isang natatanging pilantropo ng Laguna Excellence Award, Southeast Asian Achievement Awards, gayundin ng AmerAsia International Awards sa Los Angeles, California nito lamang Abril.

Bukod sa mga tulong na nabanggit, pinasasaya rin niya ang kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng kanyang inspirational talks at madalas pa rin siyang mahilingang ibahagi ang kanyang talent sa pagkanta.

Madalas na hindi natatapos ang isang event kung saan siya ang panauhing pandangal na hindi siya naghahandog ng mga awitin sa kahilingan na rin ng lahat.

At ang nakahahanga sa dating actress-singer, hindi lamang sa lungsod ng San Pablo niya naibabahagi ang pagtulong kundi maging sa mga taong nangangailangan sa ibang lugar na naaabot ng kanyang kaalaman.

Bilang ina ng apat na anak (tatlong babae at isang lalaki), maipagmamalaking lahat ng mga ito ay nagabayan niya nang husto dahil na rin sa kanilang kanya-kanyang academic excellence at achievements.

Kaya naman proud na proud sa kanya si San Pablo City Mayor Amante na itinuturing siyang isang tunay na gem, o mahalagang hiyas hindi lamang sa kanyang buhay bilang public servant kundi bilang isang asawa’t ina ng tahanan.