Mandanas

General assembly ng opisyal ng govt ginanap sa Batangas

19 Views

GINANAP noong Biyernes ang general assembly ng League of Local Planning and Development Coordinators-Batangas Chapter sa Provincial Planning and Development Office (PPDO) Conference Room sa Capitol Site, Batangas City.

Layunin ng event na magbahagi ng mga ideya, talakayin ang mga polisiya at palakasin ang papel ng mga tagaplano sa proseso ng kaunlaran.

Nakatuon din ang asembleya sa pagpapabuti ng pamamahala, pagpaplano ng mga bayan at lungsod at pagpapatuloy ng pag-unlad ng mga komunidad.

Kasama sa pagtitipon ang workshop, presentasyon at pagpapalakas ng kakayahan ng mga tagaplano upang maging updated sa mga pambansang layunin at estratehiya.

Nagbigay ng mensahe si Gov. Dodo Mandanas sa event.