GCash

GLoan Sakto inilunsad ng GCash

112 Views

INILUNSAD ng nangungunang finance application na GCash at lending arm nitong Fuse ang extended feature ng GLoan na GLoan Sakto: “Nano Loans” upang matulungan ang mga Pilipino, lalo na ang mga nasa D&E sector na matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa pamamagitan ng inklusibong digital services, ang GLoan ay may layuning makagawa ng kapaki-pakinabang na mga financial solutions upang suportahan ang pangangailangan at pangmatagalang financial well-being ng mga Pilipino.

Ang loanable amounts sa GLoan Sakto ay Php100 at Php300 na maaaring bayaran sa loob ng 14 days. Walang interes, at tanging processing fee lamang ang babayaran ng borrower na nagkakahalaga ng Php6.50 at Php19.50.

Base sa 2021 Financial Inclusion Report ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mahigit 43% ng matandang populasyon ng Pilipinas ay umaasa sa impormal na pangungutang para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Ayon sa GCash, ang mabigat na pagtitiwala ng mga Pilipino sa impormal na pangungutang ay nangangahulugan lamang ng mas matinding pangangailangan ng bansa sa inklusibong financial solutions upang mapaunlad ang accessibility ng pormal na lending.

Makatutulong ang nano loans ng GCash sa mabilis at madaling pagkuha ng mga Pilipino ng pera para sa kanilang mga pangangailangan na hindi umaasa sa mga impormal na sources.

“GLoan Sakto represents our commitment to empowering ordinary Filipinos with essential financial tools by providing them access to formal credit through this easy entry-level loan product. With this new financial tool, we are not only addressing their immediate needs but are also helping users build a good credit history,” sabi ni Fuse Lending president at CEO Tony Isidro.

Ang GCash nano loan ay magbibigay ng maayos na sistema at maaasahang gawi upang mapangalagaan ng mga Pilipino ang kanilang maliliit, madaliang financial needs, financial inclusion at convenience.

Nakikita rin ng GCash na magiging paraan ang GLoan Sakto patungo sa pangmatagalang financial freedom ng mga Pilipino.

Ito umano ang kanilang unang hakbang upang matulungan ang mga users na makamit ang kanilang creditworthiness na maaaring makaudyok sa kanilang gumamit ng iba pang serbisyo ng GCash tulad ng GCredit, GGives, at GSave na makatutulong upang mahikayat silang mas gumamit ng pormal at ligtas na financial system.

“GLoan Sakto has not only broadened financial inclusion but also empowered individuals with the tools needed for personal growth and stability. This innovative solution has significantly boosted lending activity, driving economic participation and fostering a more dynamic, resilient financial ecosystem in the country,” pagtatapos ng GCash.

Ang GCash Sakto ay patuloy na palalakasin ang gampanin nito sa nation-building patungo sa financial empowerment ng bawat Pilipino.