Calendar

Globe cell site ninakawan ng P600K lithium batteries
TATLONG lalaki noong Linggo ang nagnakaw ng mga lithium batteries na nagkakahalaga ng halos P600,000 mula sa Globe cell site sa CSJDM, Bulacan.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO3) director Brig. Gen. Jean Fajardo, nagreklamo sa Bulacan police ang may-ari ng cell site, ang Miescor Infrastructure Dev’t Corp., sa pamamagitan ni Joefrey Caceres, 49, ng Silang, Cavite, ang tungkol sa insidente ng pagnanakaw ng suspek na si alyas Mac-mac, 38, at dalawang hindi pa nakikilalang iba pa.
Sapilitang pinasok ng tatlong suspek ang Globe cell site na matatagpuan sa Sitio Tubigan, Gaya-gaya, CSJDM sa pamamagitan ng pagsira sa e-lock na nakakabit sa gate at ng makapasok, kinuha ang apat na rectifier lithium battery na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P600,000 at saka tumakas.