Calendar
GMA sinuportahan pagka-Speaker ni Rep. Romualdez
SUPORTADO ni dating Pangulo at incoming Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo si reelected Leyte Rep. Martin Romualdez sa pagka-Speaker sa papasok na 19th Congress.
Sinabi ni Arroyo na nakatrabaho na nito si Romualdez at gaya niya ay ibinigay nito ang kanyang makakaya upang mapagsilbihan ang mga Pilipino.
“Majority Leader Martin Romualdez and I have been working together for decades in a joint effort to do our best to serve the Filipino people. Since 2010, our partnership involved our service as fellow members of the House of Representatives,” sabi ni Arroyo.
Sinabihan ni Arroyo ang mga miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na sinusuportahan nito si Romualdez bilang susunod na Speaker ng Kamara.
Pinayuhan din nito ang mga miyembro ng Lakas-CMD na suportahan si Romualdez.
Si Arroyo ang chair emeritus ng Lakas-CMD samantalang si Romualdez naman ang Pangulo nito.