Laudiangco

Proklamasyon ng mga nanalong senador posibleng gawin sa Martes

153 Views

POSIBLE umanong isagawa na sa Martes ang proklamasyon ng mga nanalong senador sa katatapos na halalan.

Ayon kay Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco na-canvass na ng National Board of Canvassers (NBOC) ang 149 sa 173 certificates of canvass (COC).

Sa nalalabing 24, 19 umano ang manual overseas COC.

Sinabi ni Laudiangco na mauunang ipoproklama ang mga senador bago ang mga nanalong party-list group upang makasunod umano sa minimum public health standards.

Tinitignan din umano ang posibilidad na unahin ng iproklama ang mga party-list group na ang makukuhang bilang ng upuan sa Kamara de Representantes ay hindi na maaapektuhan ng nalalabing boto.