Gov. Sol nagpa-raffle, namigay ng Christmas gifts

Gil Aman Dec 12, 2025
230 Views

TUMANGGAP ang mga residente ng 2nd district ng Laguna ng papasko at raffle prizes mula kay Gov. Sol Aragones noong Miyerkules.

Dumalo sa programa si Vice Governor Atty. JM Carait, Calamba Mayor Ross Rizal, Bay Mayor Joe Padrijo at iba pang pulitiko sa lalawigan.

Nilinaw ni Gov. Sol ang mga usapan tungkol sa pagiging malapit niya sa 2nd District matapos ang nakaraang halalan.

“Hindi po totoo ang chismis na hindi malapit sa puso ni Sol Aragones ang 2nd district dahil talo ako dito. Kaya ako andito ngayon, bumalik para magpasalamat pa rin sa inyo,” sabi niya,

Inanunsyo niya ang Akay ni Gob Botika na ngayon ay mayroon na sa 2nd District.

“Habang gobernador si Sol Aragones, libre ang inyong maintenance na gamot,” pahayag niya.

Naging mas espesyal ang araw dahil sa libreng hotdog sandwiches mula kay Ramon Ang ng San Miguel Corporation. Nagbigay-aliw din sina Kris Lawrence at Salbakuta.