Grupo hiniling na ibalik tinanggal ng empleyado sa Pasig noong 2019

20 Views

HINILING ng mga residente ng Pasig City na ibalik ang mga empleyado ng Pasig City Hall na anila ay inalis sa kanilang pwesto at pinalitan ng mga empleyadong taga- Quezon City noong 2019.

Ayon sa Samahan ng mga KOoperatiba sa Pasig (SAKOP), kung maibabalik sa kani-kanilang pwesto ang mga lehitimong empleyado ay mas masisiguro ang de kalidad na serbisyo publiko sa mga Pasigueños.

Pinuna rin ng grupo ang kabiguan umano na maihatid ang mga pangakong serbisyo tulad ng magpapaayos ang ospital sa lungsod at pagpapatayo ng City University.

Nais din ng grupo na imbestigahan ng Department of Education (DepEd) ang pagkakaroon umano ng 25,000 na estudyante na nasa listahan ng scholarship gayung 8,000 mag-aaaral lamang ang kayang i-accommodate ng sa tatlong kolehiyo sa Pasig City.